Super supportive niya sa lahat ng bagay na ginagawa ko, kaya nung mawala siya nawalan narin ako ng gana. Hindi ko na magawang maging happy kasi wala na siya, wala na akong sumbungan kapag inaaway ako samin, wala na akong kahati sa coke, wala na akong kasama Kumain sa inasal.
1st death anniversary ng Lola ko ngayon, still sobrang sakit parin and I think Hindi kailanman mawawala yung sakit. Hindi ko siya kadugo kasi 2nd wife na siya ng lolo ko, pero sa lahat ng naging parte ng buhay ko siya yung pinaka naging close ko